8 - Si Captain [Part 2]
written by Eric.Hotfun
email: eric.hotfun@gmail.com
Ang nakaraan (mula sa
chapter 7)…
“Saan ka
nanggaling....?, inulit ni Kapitan Reyes ang tanong, ngunit may tonong
pangungutya na.
Wala nang isinagot si
Jordan. Inutusan si Jordan na pumasok sa madilim na silid ng kapitan.
“Ano ang gusto mong
sabihin ko sa ama mo...?”, mapangutyang tanong ulit ni Kapitan Reyes. “....
yung totoo.... o yung totoo...”.
Ang lakas ng kabog ng
dibdib ni Jordan. Nagiging komplikado na ito.
“O... ano na..!!!”,
mapilit na ang boses ng Kapitan.
“Sir.....”, kabadong
sumagot si Jordan. “... ano ho ang pwede kong gawin...???” Hindi alam ni Jordan
kung bakit yan lang ang naisip niyang isagot.
Mahina ang sagot ni
Capt. Reyes habang dahan-dahan itong lumapit kay Jordan.... “Ano sa palagay mo
ang pwede mong gawin..?”
= = = = = = = = = = =
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
Patuloy ang kwento...
Hindi makakilos si Jordan.
Naging blangko ang isip niya. Napagtanto niya na wala na talaga siyang ilulusot
pa dito. Ano ang nasaksihan ni Kapitan Reyes? Ano ngayon ang gusto niya mangyari?
Nanikip ang dibdib ni Jordan.
Pinagpapawisan si Jordan kahit na may konting hangin naman na pumapasok sa maliit na bintana sa bandang likod
ng kwarto ng Kapitan. Mainit ang pakiramdam ni Jordan, dulot sa naghalong kaba,
takot….. at may kung ano pang karamdaman na bumabagabag sa kanya.
Walang bahid ng anumang
emosyon sa mukha ni Vince Reyes, ang kapitang palaging mainit ang ulo kay
Jordan. Diretso ang titig nito sa
binata habang unti-unti itong nilapitan… hanggang halos magkadikit na ang mukha nilang dalawa, kaya napa-atras
si Jordan. Tuloy-tuloy pa rin ang paglapit ng Kapitan. Humakbang pa ng isang
beses si Kapitan Reyes, kaya napaupo si Jordan sa gilid ng kama nang bumundol
ang kanyang mga paa dito.
Matikas ang katawan ni
Kapitan Reyes, at ang tangkad nito ay lalong kapuna-puna sa nakaupong binata. Kapunapuna ang
umbok ng harapan ng pantalon ni Kapitan Reyes. Hindi matanto ni Jordan kung ang bumubukol ay ang kamay na pinasok nito
sa bulsa ng kanyang pantalon, o
may iba pang nakaumbok.
Tila dumadagundong sa tenga ni
Jordan ang tibok ng kanyang puso, kahit katahimikan ang nanaig sa madilim
na silid na bahagyang naiilawan ng maliit na bumbilya sa poste sa labas ng
bintana. Hindi matanto ni Jordan kung ang naririnig niyang malakas na paghinga ay sarili niya
o si Kapitan Reyes. Parang tumigil ang panahon ng napakatagal. Nakatitig ang
kapitan kay Jordan, at nakadikit naman ang mata ni Jordan sa hinaharap ni Kapitan.