HOT PINOY M2M STORIES


HOT PINOY M2M STORIES: Your men. Your deepest desires. Your hottest action. Your real encounters. Your fantasies brought to life.


No Minors / Below 18 years old not allowed / If Gay Sex offends you or if this is illegal in your location — please leave / This material is NSFW. Always practice safe and consesual sex in the real world; this blog provides a temporary but pleasurable escape from the real world — for your personal private entertainment only.

NOTICE

NOTICE:
These are oroginal works of the author. Copying or reproducing any content from this blog in any form of media is strictly prohobited. If you own any of the uploaded photos and you want them removed, if you want to submit stories or suggestions — please contact author: eric.hotfun@gmail.com



Tuesday, January 12, 2016

Mga Kalarong Sundalo - 8

8 - Si Captain [Part 2]

written by Eric.Hotfun
email: eric.hotfun@gmail.com




Ang nakaraan (mula sa chapter 7)…

“Saan ka nanggaling....?, inulit ni Kapitan Reyes ang tanong, ngunit may tonong pangungutya na.

Wala nang isinagot si Jordan. Inutusan si Jordan na pumasok sa madilim na silid ng kapitan.

“Ano ang gusto mong sabihin ko sa ama mo...?”, mapangutyang tanong ulit ni Kapitan Reyes. “.... yung totoo.... o yung totoo...”.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Jordan. Nagiging komplikado na ito.

“O... ano na..!!!”, mapilit na ang boses ng Kapitan.

“Sir.....”, kabadong sumagot si Jordan. “... ano ho ang pwede kong gawin...???” Hindi alam ni Jordan kung bakit yan lang ang naisip niyang isagot.

Mahina ang sagot ni Capt. Reyes habang dahan-dahan itong lumapit kay Jordan.... “Ano sa palagay mo ang pwede mong gawin..?”

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =


Patuloy ang kwento...

Hindi makakilos si Jordan. Naging blangko ang isip niya. Napagtanto niya na wala na talaga siyang ilulusot pa dito. Ano ang nasaksihan ni Kapitan Reyes? Ano ngayon ang gusto niya mangyari? Nanikip  ang dibdib ni Jordan. Pinagpapawisan si Jordan kahit na may konting hangin naman na pumapasok sa maliit na bintana sa bandang likod ng kwarto ng Kapitan. Mainit ang pakiramdam ni Jordan, dulot sa naghalong kaba, takot….. at may kung ano pang karamdaman na bumabagabag sa kanya.


Walang bahid ng anumang emosyon sa mukha ni Vince Reyes, ang kapitang palaging mainit ang ulo kay Jordan. Diretso ang titig nito sa binata habang unti-unti itong nilapitan… hanggang halos magkadikit na ang mukha nilang dalawa, kaya napa-atras si Jordan. Tuloy-tuloy pa rin ang paglapit ng Kapitan. Humakbang pa ng isang beses si Kapitan Reyes, kaya napaupo si Jordan sa gilid ng kama nang bumundol ang kanyang mga paa dito.

Matikas ang katawan ni Kapitan Reyes, at ang tangkad nito ay lalong kapuna-puna sa nakaupong binata. Kapunapuna ang umbok ng harapan ng pantalon ni Kapitan Reyes. Hindi matanto ni Jordan kung  ang bumubukol ay ang kamay na pinasok nito sa bulsa ng kanyang pantalon,  o may iba pang nakaumbok.

Tila dumadagundong sa tenga ni Jordan  ang tibok ng kanyang puso, kahit katahimikan ang nanaig sa madilim na silid na bahagyang naiilawan ng maliit na bumbilya sa poste sa labas ng bintana. Hindi matanto ni Jordan kung ang naririnig niyang malakas na paghinga ay sarili niya o si Kapitan Reyes. Parang tumigil ang panahon ng napakatagal. Nakatitig ang kapitan kay Jordan, at nakadikit naman ang mata ni Jordan  sa hinaharap ni Kapitan.