Business Trip 2: Gate F1A
Mga totoong karanasan
ng isang manlalakbay.
Kwento ni
Eric_Hotfun
Email: Eric.HotFun@gmail.com
AirGuy – 79 meters away.
Profile pic pa lang… nakaka-akit na. Matangkad siya. Naka-dark blue siya na suit… parang
uniform ng air crew. Maporma.
Gwapo. Chinito at maputi. Siguro mga mid-20s ang edad niya.
Naglakas-loob ako… wala namang nakakakilala sa akin dito.
What’s the worst that can happen…, ang pangangatwiran ko sa sarili ko. Kaya…..
Ako – Hi there….
AirGuy -- Hi, too……
Ako – Where are you….?
You are near…?
Nag-umpisa kami mag-usap sa Grindr…. Yung social networking
app ng iPhone. Naghihintay ako ng
flight ko pauwi. Matagal pa ang boarding at medyo bored na ako. Kaya naisipan
ko na i-check kung sino ang pwede kong maka-chat.
Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Let’s meet now, ang biglang mungkahi niya.
Ground steward daw siya ng isang airline dun. 178
centimeters daw ang tangkad niya. Mga 5’10” yon. Break daw siya… at may isang oras pa siya bago siya babalik
sa duty para sa kasunod niyang flight.
Let’s meet please….
Paulit niyang paanyaya.
Nag-alangan ako… at ano naman ang gagawin namin pag nagkita
kami. Kaso, wala naman talaga akong gagawin. At aamin ko… medyo na-excite ako,
na-intriga ako. At gwapo siya.
Niligpit ko ang laptop kong nakabukas, at mga dokumenteng
binabasa ko. Hinanap ko ang Gate F-1A. Wala daw tao doon. Kinabahan ako. Airport
ito, at mahigpit ang security. Delikado ito.
Malawak ang Bangkok Suvarnabhumi airport.…. naglakad din ako
ng ilang sandali bago ko nahanap ang sinasabi niyang tagpuan. Nakita ko muna
ang Gate F1. Walang F1A.
Nag-message ulit ako sa kanya: Where is Gate F-1A?
Niloloko yata ako nito.
Agad siyang sumagot… Go
straight towards escalator… after Gate F1…you will see F1A.
Sinunod ko ang utos niya. Ayun….”GATE F-1A”.