HOT PINOY M2M STORIES


HOT PINOY M2M STORIES: Your men. Your deepest desires. Your hottest action. Your real encounters. Your fantasies brought to life.


No Minors / Below 18 years old not allowed / If Gay Sex offends you or if this is illegal in your location — please leave / This material is NSFW. Always practice safe and consesual sex in the real world; this blog provides a temporary but pleasurable escape from the real world — for your personal private entertainment only.

NOTICE

NOTICE:
These are oroginal works of the author. Copying or reproducing any content from this blog in any form of media is strictly prohobited. If you own any of the uploaded photos and you want them removed, if you want to submit stories or suggestions — please contact author: eric.hotfun@gmail.com



Tuesday, April 24, 2012

Ang Nangyari kay Alex sa Construction - 11

11 - Pagtutuos at Paghiganti

Written by Eric.Hotfun



Sabado ng gabi… pagkatapos ng trabaho… nag-uwian na ang ibang mga trabahador.  Maaga pa lang ay inumpisahan na nila ang inuman … nag-umpisa na silang tumagay… alas-siete pa lang ng gabi. Si Bong, si Jomar….at dalawa pang trabahador, si Marlon at si Dante…

Abala sa Jomar sa pagtagay ng alak.  Puna ni Bong na parang nanumbalik ang dating ugali ni Jomar na pilyo, pala-biro at masayahin….dahil sa buong linggong iyon, madalas na nagsasarili si Jomar at walang kinikibo. Hindi mabatid ni Bong kung galit si Jomar sa kanya, dahil maayos naman ang pakikitungo nito sa trabaho.  Nawala lang ang dating sigla nito. Nabalisa si Bong…. nag-aalala kung dahil kaya sa mga kaganapan ng nakaraang sabado ng gabi kaya nagkaganun si Jomar. Pagkatapos ng gabing iyon, umalis sa trabaho at umuwi na sa probinsya si Caloy, ang pinsan ni Jomar. Aba, e… naki-sawsaw din kaya sa kahalayan si Jomar, kaya’t wala siya dapat ikagalit, ang pangangatwiran ni Bong.

Tuloy-tuloy ang pagtagay ni Jomar. Kaya gumagaan ang loob ni Bong, at nagiging masigasig ang paglaklak ni Bong ng alak. Pati ang dalawang bagong kasama nila sa inuman, si Marlon at si Dante, ay agad-agad naging komportable at nakisali na rin sa maingay na biruan at harutan. Kaya mabilis nilang narating ang kalasingan.

Mainit sa loob ng kusina, kung saan sila nag-iinuman sa gabing ito. Naka-sando at maluwang na shorts na pambahay lang ang suot nilang apat.

Isang oras pa lang ang inuman nila, at malakas na ang tama ni Bong. Si Dante naman ay namumula na…pinaka maputi sya sa kanilang lahat at bakas ang epekto ng alak sa kulay ng balat niya. Tila malakas din uminom si Marlon, at tulad ni Jomar, halos walang epekto ang sunod-sunod na pagtagay ng alak.

Mainit na ang pakiramdam ni Bong dahil lasing na talaga siya. Tinanggal niya ang sando niya.  Nagtanggal din ng pang-itaas si Marlon.